jdtv said:
Guys, pinuntahan ko agent ko coz confused nga with NOC 3012 (nurse)and 3233 (lpn). She discouraged me with 3233 kasi nga walang LPN dito sa pinas. One of the qualifications kasi dapat licensed PN. nalilito na talaga ako. Next week ko pa namn isusubmit papers ko. ;( and nasa 469 naaaa!!!!
Una sa lahat, bobo yang agent mo. Kung maaring palitan mo na yan o kaya magwithdraw ka sa agency na yan at mag DIY nalang, mas makakabuti pa sayo. Kahit i-PM mo pa ako araw-araw para sa mga tanong mo, sasagutin ko. There is a wealth of knowledge dito sa internet, lalo na sa forums. You just have to invest some time to read.
Para sabihin niya yan, obvious na hilaw ang alam niya sa FSW at malamang umaasa lang sa fini-feed sa kanya ng boss niya.
3233 is already a proven backdoor for aspiring 3012 applicants who have hospital experience dahil nga 3012 and 3233 are parallel when it comes to JD. May mga nag-o-overlap sa JD ng dalawang NOC code na yan. Just make sure you are 70-80% match with 3233 JD. We already have LOTS of attestations from the local and international thread that it works. Example of which is Willow05 who even has a job title of "Staff Nurse" which is clearly for 3012. 3233 applicant siya and has PER now.
It is also a FACT na hindi tinitignan ng CIO ang JOB TITLE at JOB REQUIREMENTS. Ang mahalaga sa kanila ay ang JD. Kahit itanong mo pa yan paulit-ulit sa international thread, yan ang isasagot nila.
Predictions on 3012 based on the global spreadsheet will be on the 1st week of December pero I doubt that and I believe it will be earlier. If magpapasa ka ng 3012 application ngayon, ako na nagsasabi sayo na alanganin ka na at sugal na yang ginagawa mo. Magpasa ka with 3233 ngayon at magiging "sitting pretty" ka na at iisipin mo na lang ang pagkumpleto ng documents mo.
Wag ka mag-alala, hindi ka nag-iisa sa nase-stress sa mga agents. Madami na dito ang nag rant tungkol sa mga yan. Ganyan talaga dahil hindi naman natin alam na may ganitong klaseng forum sa internet at siyempre, "agency" yan kaya expect natin alam nila lahat. Pero in reality, pera lang habol sayo niyan.
Kahit ipabasa mo pa sa kanya ito. Good luck sa pagdesisyon. 8)