Guys, tanong lang especially sa similar sa situation ko.
Ako, main PA, based sa SG. Si misis, sa Pinas.
Required saming dalawa is SG police clearance. Nakatira at nagwork kasi si Misis dito dati.
Ang tanong ko is how did you go about the SG police clearance application, in particular yung spouse nyo nasa Pinas? Nakita ko kasi na ang options is proxy for her application or direcho nya padala sa COC office ang docs nya.
Ang kaso, wala pa yung docs nya kasi just recently lang namin nakuha yung MR request, together with the request for the SG police clearance etc. To complicate things a bit, nakasked akong umuwi sa Pinas on Tuesday and back only on the weekend. So no chance na padala nya sakin para magsubmit on her behalf this week. Kung hintayin ko naman, at least a week na yung nasayang.
The other option is padala nya direcho sa COC office. Pero kelangan me bank draft from a Singapore-based bank, as stated in the COC letter. Kung ito yung ginawa nyo, anong bank sa Pinas yung kinuhanan nyo ng bank draft?
Salamat po in advance sa advice.