Hello po Scout, ask ko sna if chinicheck dn b ang cholesterol, triglycerides, ung s blood chem ksali b? Slmat po
Sa mga naiinip na po sa kahihintay ng MR, pwede niyo pong gamitin ang panahon upang i-kondisyon ang ating mga sexy na body. Pra po malusog sa araw ng medicals. imbis na mag-alala, pwede po tayong mag-exercise kahit 30 minutes a day at sabayan na rin ng diet. pahinga muna sa matamis, maalat at matabang pagkain. Pwede rin po tayong mag pa check ng ating blood sugar at urine for the presence of protein. Ito po kasi ang ilan sa mahalagang tinitingnan sa initial medical exam. Nung matanggap po namin ang PER nagpatingin na rin po kami sa doc. medyo nasa pre-diabetic stage ako at may trace ng protein and urinalysis. Nag jogging ako ng 30-45 minutes a day, though minsan pumapalya, hehehe, para lang mag normalize ang sugar ko. Nagwater therapy din ako. After more than 3 months, dumating ang MR namin at sa awa ng Diyos, no additional tests. Kaya't habang naghihintay, paghandaan ang medicals, siguraduhing abot kamay ang inaasam na pangarap! Cheers!