haay kahit may MR, may mga konting aberya pa din, talagang susubukin ang pasensya mo sa pangarap na makapunta ng Canada. di ko alam kung makakatulong para mapanatag ang kalooban ng mga naghihintay ng MR na nalagpasan ng iba. kasi kami since 2005 naghihintay ng MR at nalagpasan kami ng mga aplikante ng 2008-2012.grabeng sama ng loob pero walang kang magawa kundi maghintay hanggang sa malaman na lang namin na scrap na ang batch ng files namin noong 2012. sobrang tindi ng depresyon, di ko maipaliwanag. nawalan na talaga kami ng pag-asa na makapunta sa Canada. Nagbalak na nga ako na mag-apply sa Australia. Gumastos na ako sa assessment ng aking credentials at work experience dun. Nag-ielts na rin ako uli para dun. Sumubok din ako sa Saskatchewan at Nova Scotia PNP na walang kinahinatnan. Pero sadyang may inihahanda si Lord sa bawat isa sa atin, biglang dumating ang FSW 2014. Pero di rin ito naging madali para sa akin dahil akala ko babalik yung aming aplikasyon dahil may di ako naisamang dokumento at inihabol ko lang. Kung naging makulit ako sa pagsubok na tuparin ang aming pangarap, makulit din si Lord at ipinagkaloob niya sa amin ang PER at last week lang binigay ni Lord ang pinakahihintay na MR. Wala nang documents na hiningi sa amin liban sa PCC at konting personal history details. Dahil siguro ito sa nakita nila 2005 pa kami nangarap pumunta ng Canada at nun sandamakmak na papeles na ang ipinasa namin. Bale 10 years in the making ang pangarap na ito. Medyo may konti lang aberya kasi nahirapan si hubby kumuha ng PCC sa Indonesia at aabot ng 1-2 months ang pcc niya mula Japan. Marahil likas lang sa akin ang parating nag-aalala, nagwo-worry ako na baka may problema sa MR kahit na malulusog kami, nagdadiet at regular na nag-eehersisyo. Ok lang mag-alala, madepress at mafrustrate, ngunit wag mawalan ng pag-asa at wag bumitiw sa pangarap. Wala nang kapupuntahan ang mga may PER kundi MR lang. Dasal ko po ang katuparan ng ating mga pangarap! Nakaumang na si MR!