maplelove said:
Its really hard living here in Canada, naexperience ko yan until now. Stress sa work and homesickness ang kalaban natin dito especially pag winter.
It takes a real strong heart to thrive. But tayo lang din makakatulong sa sarili natin.
So let's just keep going. Yan ang nasa isisp ko lagi.
Sa mga papunta pa lang dito, walang masamang maging excited but don't expect so much na everything here is feeling cloud nine.
All the best to all.
Kahit saan naman po tayo magpunta, mapa Canada, Middle East, or Europe man yan talagang nakakalungkot lalo na kung hindi kompleto ang pamilya natin, wala ang mga anak natin for example but in God's time makakasama rin natin sila kaya nga tayo nagtratrabaho ng husto para sa pamilya natin. Tiis, sakripisyo at tiyaga ang kailangang baunin ng karamihan sa atin na ninanais na mangibang bansa. Wala pong masama kung maging excited tayo na makarating doon sapagkat una makakasama natin ang mahal natin sa buhay, pangalawa, it's a new environment, ibang-iba sa pinas, ang mga tao, ang klima at ang lugar, then lastly, sana yung excitement natin will last until matupag natin kung anuman ang dahilan kung bakit tayo nandoon sa bansang iyon. share ko lang po!