+1(514) 937-9445 or Toll-free (Canada & US) +1 (888) 947-9445
@chel12

Sis, nagbebake ka din pala like me. I suggest kung may Bulk Barn sa place nyo dun ka bumili ng gamit and ingredients kesa sa Michael's kasi mas mahal. Plus may hobby stores din na iba. Wag ka magugulat ang mahal ng raw materials lalo na yung mga favorite ko like glucose, glycerin, etc. :( buti pa sa Pinas, mura. Na-miss ko tuloy ang Quiapo at Chocolate Lover.
 
ailooney said:
@ chel12

Sis, nagbebake ka din pala like me. I suggest kung may Bulk Barn sa place nyo dun ka bumili ng gamit and ingredients kesa sa Michael's kasi mas mahal. Plus may hobby stores din na iba. Wag ka magugulat ang mahal ng raw materials lalo na yung mga favorite ko like glucose, glycerin, etc. :( buti pa sa Pinas, mura. Na-miss ko tuloy ang Quiapo at Chocolate Lover.

Yup sis, sideline ko yun sa Pinas..hehe... Sa CanadianTire kame punta ni hubby, hindi daw kasi nya alam bilihan ng mga baking tools and ingredients... natawa nga sakin di hubby kasi pumunta kame kagabi sa ExtraFoods, first time ako nakakita ng frozen cookie dough hehe.. kasi syempre sa Pinas wala naman yun.. And pag baker ka, you want all of your pastries to be made from scratch diba..wala lang, nasayahan lang ako, nandito na talaga ko...
Matinding gastos na naman 'to pagbili ng mga tools.. ayaw kasi pa-DHL ni hubby mga gamit ko sa Pinas, andame pa naman nun :(
Thanks sis for the advise. i-GPS na lang namin ung Bulk Barn kung meron malapit samin... :)

PS: ganto ba talaga sa una,,.. panalo sa kati ng katawan ko... kalahati na ata ng tub ng lotion nagagamit ko :(
 
@lexie_nicole and sugarhigh:

mga sis, may pm ako sa inyo:)
 
hello po!

ask lng po ako kon ano ibig sabihin nang TDF2 referral? tapos na po ako mg medial nang 2nd week of january.. sana matulungan nyo ako.. thanks po!



Libby:-)
 
ynoweh said:
kenj, ala asar talo ka sa dalawang chicks, naunahan ka pa daw nila alis. hehe. :P :P ;D hirap pag may work pa ano, need to serve the 30-day resignation notice... Anyway, lapit na din u alis, and happiness yun to the max.. ;D
ahihi. hindi talaga ako pwede pumunta earlier than march 15 kasi sa airport ako matutulog nun ;D
excited na rin ako to be with my wife pero yun nga, meron pa mga commitments dito na kelangang gampanan. hehe. medyo petiks pa ako ngayon, malamang mag-cram ako sa last two weeks dito :P
sensya na mga sis, especially sa mga bago, if i can't provide some inputs on your questions. pasilip-silip lang din ako dito sa thread sa ngayon, daming calls at work at wala na rin ako desktop at home. goodluck to everyone, mapa-new applicant man or waiting for the visa na! ;)
 
mga sis, may question po ako. Once you're in canada na and your stat is twp n sowp for spouse, pwede ba tayong magapply ng PR status? and usually after ilang months? Thanks
 
lexie_nicole said:
@ vinzoy and chel12 wow buti nakarating na kau ng safe,, Thanks God tlga He always guide and protect us.. Sana dumating na din visa namin..

thanks lexie_nicole will send you PM for FB invites. It's a matter of time, konting tiis nalang. Advance Congratulations! :D
 
milleth082002 said:
THANK THANK THANK YOU LORD. AOR/MR NG ANAK KO NA LALAKI DUMATING KANINA. WOW, AKO NA ATA ANG PINAKAMASAYANG NANAY, NEVER IN MY IMAGINATION NA MAMAKASABAY PA NAMIN ANG ANAK KO NA LALAKI (19 YRS.OLD), REMEMBER AKO LANG PO ANG NAG-APPLY NG OPEN WORK PERMIT AS AGE-DEPENDENT WORK PERMIT BECAUSE OUR CONSULTANT DID NOT KNOW ABOUT THIS PILOT PROGRAM OF ALBERTA WHICH WILL BE UNTIL JUY 30, 2012 NA LANG. BUT THE LORD IS ALWAYS GOOD TO US KAYA IBINIGAY NYA SA AMIN ITO. NA-DEPPRESS NGA YUNG ANAK KO NG DI PUMAYAG YUNG CONSULTANT NAMIN ISAMA SYA SA APPLICATION KASI MALAKI FINANCIAL FUNDS DAW ANG KAILANGAN PARA SA KANYA AT ANG ALAM LANG NILA EH STUDY PERMIT.

GRABE SOBRANG SALAMAT SA INYONG LAHAT NA TUMULONG MAG-PRAY PARA SA AMIN. REALLY :)

TIMELINE: APPLICATION SUBMITTED - JAN.27,2012
TOR ADDTL. DOC SUBMITTED (VOLUNTARY) - FEB. 4, 2012
AOR/MR APPROVED - FEB. 8, 2012
RECEIVED - FEB 11, 2012

NEVER STOP DREAMING AND TRUSTING OUR LORD BECAUSE HE WILL GIVE THE BEST THAT WE DESERVE.

Happy for you ate milleth! lapit na din dating VISA ninyo. Advance congratulations! :D
 
annz said:
Wow sis! im so happy for you. After his medical no worries ka na talaga, visa nalang antayin nyo. Sana dumating na din ung sa eldest ko, naligaw na ata ang application nya, until now wala pa din kaming narerecieve na update regarding her application. But we're hoping na visa na agad ang dumating for her :)

hello sis annz! regarding sa MR ni eldest mo baka pwede kana mag follow-up direct thru email sa CEM kase nakaka bother lang medyo matagal na. pero need pala ng reference number pag mag follow-up, yun ung na naka indicate sa AOR, para ma-locate agad ung file sa system, or better yet try to mo tumawag sa call center ng CEM. hopefully dumating na talaga sya para less worries na. GOD BLess you sis\~
 
ynoweh said:
Hi guys, kumusta na kayong lahat?!!!! Hope all is well... :) ;D

@ chel and vinzoy, wowwwww, ang sarap tignan ng mga pics nyo sa fb... lalo kami naiinspire... stay with us here sa forum ha... ;) chel, spend quality time muna with your hubby at work work na ang next. vinzoy, grabe may work ka na gad, ang galing!!! Wait, pano si vinze, who's gonna take care of him? Pareho ba kayo ng company ni hubby mo at pagtutugmain nalang ang sked para may magalaga kay baby?...Tsaka sis, ano ano docs ang tinitignan sa immigration ng Vancouver? Pati ba mga tickets, oec ni hubby, etc.? God bless you both... ;D

hi sis! apparently si hubby will work in the morning 6-3pm ang sched. nya, ako later shift from 3:30 till 11:30pm hinde pwedeng walang maiwan sa sa anak ko. pasensya na guys! kase medyo pasulpot sulpot nalang. things are different now coz i have to take care of my 2 babies date si vinze lang, hehe! plus may work nadin kaya busy na pero will stay here for sure.

regarding sa oec hinde naman na nila hinanap yun, and hinde din naman ako nag-dala ng copy ng OEC ni hubby basta ticket at passport lang sa sa airport naten familiar na sila sa visa naten, then dito sa vancouver immigration passport at letter from the embassy and copy ng work permit yung lang po ang hinanap sa aken, pero just in case sis, para sure i ready nyo nalang ung copy ng ilang docs. ni hubby nyo bukod sa WP. like LMO, Contract and COE etc..

nung dumating kame dito ng anak ko, nag file ng leave si hubby for 3 days, kase sinamahan nya ko kumuha ng SIN at healthcard kasama nadin ang pamamasyal, nakakatuwa lang guys, kase ang sarap kausap ng mga canadian mababait sila at accomodating at nandun din yung feeling na at home ka kase sympre given na kasama na si hubby at anak ko. Hwag kayo mag alala guys ang dali lang kumuha ng SIN at healthcard para kalang nag order sa fast food, ganun kasimple at walang pasikot sikot sa forms wala pang 30 minutes tapos kana wait mo nalang yung mail nila within 10days for the card.

GOD BLESS everyone! Advance congratulations sa mga waiting ng VISA for sure it will come very soon. :D
 
hello mga sis, update lang. I called cem call center last week regarding my daughter's application kase 1month na since makarecieve kame ng youngest ko ng aor/mr. Advise nila sakin mag email na daw ako sa cem kung gusto kong ifollow-up ung sa eldest ko. I sent an email last Feb.6 pa, until now waiting pa din kame sa aor ni eldest. Wala namang impossible kay Lord,alam ko dadating din un,malay natin visa na agad,wala nang medical ;) :D :D

sis chel & vinzoy, nakakatuwa mga pics nyo sa fb.. Iba talaga ang feeling pagnakakakita ng family na nagkakasamang muli :)

Sa mga naghihintay ng visa,sis milleth, nigella, ynoweh, and lexie_nicole, konting tiis nalang. Keep the faith, God will never fail us.

Sa mga mag apply pa lang. Goodluck sa application nyo :) God Bless us all :) :) :)
 
waiting for the courier to pick up my documents...sana maging ok ang lahat..
 
ann3078 said:
waiting for the courier to pick up my documents...sana maging ok ang lahat..

good luck and God Bless You... :-* :-* :-*
 
congrats ate milleth. :D

visa na susunod nyan. :)

sa mga ibang waiting, padating na din visa nyo. ^_^