+1(514) 937-9445 or Toll-free (Canada & US) +1 (888) 947-9445
ailooney said:
In my case, yes. Pero kay enyale kasabay na ng aor/mr. Feb 12 ako nag medical tapos feb 24 yung questionnaire. Plus clarifications.
i see. thanks for the input sis! :)
 
ladychloe said:
oo nga sis tnx...sunud na rin sayo nyan basta wag lang lalaki ang ulo bait lng para datin visa hehehehe!!!!

Actually ate, may visa na kami ng anak ko. Hihihi! Nung Nov 8 ko nareceive. Dec 12 naman ang alis namin. Nakikibalita lang ako dito, baka sakaling may maitulong kahit konti. ;D
 
ailooney said:
Got mine feb 24 and submitted it march 7 although i had a march 22 deadline.
thanks sis
 
kenj said:
sis, after ba ng MR & AoR na natanggap ng husband mo yung questionnaire?
yun kasi pinagtataka ko bat walang questionnaire na kasama dun sa nareceive ko. hiwalay ba talagang ipapadala yun?

yes bro hiwalay, khapon lang ntanggap yung questionnaires, then last nov 11 pa natanggap yung medical request.
 
ailooney said:
San kayo bumibili ng thermal wear sa Pinas? Kasi kung more than 500 pesos.. dito nalang kayo bumili. or bili lang kayo ng one pair (long sleeves and tights). Sa walmart maganda mamili ng thermal wear. Nung umalis ang hubby ko sa M&S ko pa binili kasi wala akong alam na bilihan nun. Pagdating naman pala dito eh madami palang ukay2 na maganda.

I suggest just buy winter clothes that are good for your biyahe. The rest dito na kayo bumili. Kasi umaabot ng -30 to -50 dito. Tingin ko kasi mas alam ng brands dito kung ano ang dapat sa mga taong taga dito. may sense ba? hehe. Mas mahal pa nga minsan sa ukay2 dyan kesa dito.

Lalo na sa boots. Just buy one pang alis nyo (pasyal) pagdating pero after that.. magshop nalang kayo sa Value Village/Goodwill/Thrift store which is their ukay2 dito. Kung ok lang sa inyo mag ukay ha. Kasi maayos ang ukay dito. Dun na ako bumili ng lahat ng pang winter ko. Kasi sobrang siksik na bagahe ko and wala na kakasya na makapal pa na damit. Sabagay summer palang bumili na ako ng jackets. Hindi naman nauubusan dito. hahaha.

Pero yung brand new since mahirap talaga makapili ng sapatos na tama sa inyo.. yun ang bilhin nyo na brand new. Winter boots and porma boots. haha. :P

Sa Greenhills kami namili, ate. Hindi ako bumili ng pair, kasi sobrang laki sakin. Puro kasi free size, e kamusta naman sa katawan ko? Pang-kids. :P kaya tights lang binili ko, black and skintone. Dyan na din namin balak mamili, sabi din kasi ni hubby. Ang binili ko lang yung pang-alis namin. Actually, hindi nga pang-winter ang nabili kong coat. Pang-porma pa din. Hahaha! Wag sana ko ginawin. Mag-3 layers na lang ako. ;D halos puro pang kay baby nabili ko, halos puro pambahay lang din. Sobrang lamig na ba ngayon dyan? May dinownload akong application sa iPad ko para mamonitor ko temp dyan, nag-eerror naman. ::)

San nga ulit kayo, te? Pregnant ka na pala. Ang galing ni kuya ha. Hahaha! Sana ako din. Gusto ko na ulit magka-baby, pero baka after 2 yrs pa.
 
solit said:
yes bro hiwalay, khapon lang ntanggap yung questionnaires, then last nov 11 pa natanggap yung medical request.
alright thanks solit! :)
 
hello guys its been a long time na hindi nako nakapagonline dito sa forum.. hehehe grabe naloka ako ang dame ng threads date wala man 50 yung threads dito.. si ailooney andyan pa din hahahaha yung iba hindi ko na kilala.. im very happy for you guys sa lhat ng mga nakakuha na ng visa at ang mga malapit na advance congratulations na rin... dito ako sa calgary pareho kame ailooney winter na dito -20 pataas ang temperature dito at may snow na... hehehe ang importante meron kayo mga damit na akma sa ganitong weather minsan pa nga 3 patong pa yung suot ko tagos pa din yung lamig... hehehe tsaka importante talga thermal at leggings dito... i think sa edmonton at winnipeg mas worse pa daw ang winter dun ngayon... hehehe

sa susunod PR application na paguusapan naten hehehehe

:) :)
 
hi sis enyale! add po kita sa fb ha, ano name u? I believe sa calgary ka rin.
 
kristineR said:
Sa Greenhills kami namili, ate. Hindi ako bumili ng pair, kasi sobrang laki sakin. Puro kasi free size, e kamusta naman sa katawan ko? Pang-kids. :P kaya tights lang binili ko, black and skintone. Dyan na din namin balak mamili, sabi din kasi ni hubby. Ang binili ko lang yung pang-alis namin. Actually, hindi nga pang-winter ang nabili kong coat. Pang-porma pa din. Hahaha! Wag sana ko ginawin. Mag-3 layers na lang ako. ;D halos puro pang kay baby nabili ko, halos puro pambahay lang din. Sobrang lamig na ba ngayon dyan? May dinownload akong application sa iPad ko para mamonitor ko temp dyan, nag-eerror naman. ::)

San nga ulit kayo, te? Pregnant ka na pala. Ang galing ni kuya ha. Hahaha! Sana ako din. Gusto ko na ulit magka-baby, pero baka after 2 yrs pa.

aahh sya magdala ka nalang ng extra just in case. San ka nga ulet dito sa Canada? Nalilito na kasi ako sa dami natin haha. Sa NE Calgary ako. Same with deltaromeo, enyale, oxie18, imsamazing... i-download mo yung WeatherEye from the weather network (iPhone App). reliable sya. everyday ko sya tinitingnan. sa week na ito warm na sa lagay ng -12 with windchill... pero last sat lang nag -29C kami. So maghanda-handa ka na. Sa loob naman ng bahay walang prob kasi may heater. nakapag adjust na ako kahit sa basement kami nakatira kasi summer pa naabutan ko.

yep, 5 months preggy. our first. buti nalang nakapagwork agad. whew. Kasi hindi ako makaka-avail nung 11months maternity leave with pay kung hindi ako nakapag work ng 600 hrs prior to my delivery. God is good talaga! :)
 
enyale_08 said:
hello guys its been a long time na hindi nako nakapagonline dito sa forum.. hehehe grabe naloka ako ang dame ng threads date wala man 50 yung threads dito.. si ailooney andyan pa din hahahaha yung iba hindi ko na kilala.. im very happy for you guys sa lhat ng mga nakakuha na ng visa at ang mga malapit na advance congratulations na rin... dito ako sa calgary pareho kame ailooney winter na dito -20 pataas ang temperature dito at may snow na... hehehe ang importante meron kayo mga damit na akma sa ganitong weather minsan pa nga 3 patong pa yung suot ko tagos pa din yung lamig... hehehe tsaka importante talga thermal at leggings dito... i think sa edmonton at winnipeg mas worse pa daw ang winter dun ngayon... hehehe

sa susunod PR application na paguusapan naten hehehehe

:) :)

nabuhay ka, sis. hehe. nakita ko na yung marbleslab sa chinook. yun pala yun! Sarap nung ice cream cupcakes dun. :) musta na pagrereview mo? Nag road test ka na ulet? PR application na ba? Keep in touch. text text mo nalang ako. hehe. i hope libre yung tawag mo sakin nun... naka 30 mins ata tayo. hihi.
 
ask ko lang po kung nid pa ang police clearance s sa kung saan me nagwork?Galing po kasi ako ng cyprus 10 yrs.ago na,nid ko po ang inyong opinion,tnx!
 
jaylyn6972 said:
ask ko lang po kung nid pa ang police clearance s sa kung saan me nagwork?Galing po kasi ako ng cyprus 10 yrs.ago na,nid ko po ang inyong opinion,tnx!

hello! welcome to this thread! :) did you try to call the embassy na po? ang alam ko po kc NBI clearance lang eh. saka since 10 years ago na rin ung work mo sa cyprus, I guess ok lang na NBI clearance. pero try to call na rin po sa embassy para sure :).
 
jaylyn6972 said:
ask ko lang po kung nid pa ang police clearance s sa kung saan me nagwork?Galing po kasi ako ng cyprus 10 yrs.ago na,nid ko po ang inyong opinion,tnx!

@ jaylyn

hi... welcome sa forum!!! hindi n po kylangan ng police clearance kung galing ka abroad :D :D :D ako po d na ngpasa. employment cert lang at kung thru agency k d2. kuha ka n rin ng employment reference sa POEA... ;D ;D ;D ;D goodluck sa application mo.... God bless
 
ailooney said:
Sis, nagpasa ka ba ng bank cert? or remittances? Kung wala namang time binigyan ka nila ng instructions how to contact them diba kapag hindi kaya nung deadline? Gawin mo agad sis kasi sayang naman application mo. Sakin din hiningan pa ako additional documents like kumpletong remittances mula nung dumating hubby ko ng canada. Pero dun sa unang pasa ko palang nandun na yung tax records nya and bank cert and other remittance receipts.

God bless. Wag kang matakot. Magpray ka lang. Tsaka wag ka magmadali. Ang una mong gawin is adjust the deadline kung hindi mo kaya. 4 days lang ang fedex kung mapapdala ng asawa mo agad yung orig documents.

oo sis,thank sis...sis ,pa ok na nba yong additional doc,pa pick up ulit?tatawag ulit para ma pick up papers?pag na submit kuna sis hnd na cla magpapadala o hihingin ng addional doc.?sana nga sis masubmit ko ng maaga...maraming salamat talaga sa inyo at dyan kayo na tumutulong sa amin.. :) :) :) :) :) :)
 
med's done today!!! and thank you Lord coz all tests are ok.. ung hepa test na lang 2-3days daw ang labas ng result (pero for sure wala nmn ako hepa noh!).. kung wala daw call within the week, naipasa na daw un sa CEM.. i hope everything will be fine na talaga.,.. i leave it all to GOD na.. AND,... the hardest part...............WAITING!!! :(