hello po! pasensya na guys now lang naka balik sa forum. hinde ko pa magawang mag backread from the last time na nag log-in ako here! super busy at hinde pa masyadong nakaka bawi sa puyat at pagod. mabilisan lang ang viewing sa fb minsan kase dame pa dapat ayusin at lakarin, hinde na petiks unlike before.
regarding our flight last Tuesday, thank GOD! we reached safe and sound, wala naman naging aberya sa immigration naten i just presented our passports and tickets wala ng ibang hinanap na documents familiar na sila sa type ng visa naten, then tinanong lang ako kung ako mommy ng anak ko magka-iba kase kame ng surname
naging problema ko lang ang baby ko sa una, kase naghabulan kame sa terminal2 airport lawak kase akala nya playground hehe, buti nalang maaga kame nag check-in at may nag-assist sa aken naawa kase, para makapag-fill up ng embarkation form ba-un?? not sure sensya na tapos bayad ng terminal fee then sa immigration na nga.... adventure talaga ang byahe nameng dalawa, pero pag dating sa plane puro tulog lang ang ginawa kaya hinde ako nagka-problema sa kanya. Bago mag land ang plane may form na binibigay ang mga attendant kase yun yung ipi-present mo immigration some personal info at mga bagay na may kinalaman sa items ng bagahe mo, mahigpit kase sila sa pagpasok ng mga dairy & meat products and may certain amount lang ng dame. Sa vancouver airport naman medyo mahaba at pasikot sikot ang lalakarin pero susundan mo lang naman ung mga tao and they will tell you anong carousel no. mo kukunin yung bagahe but before that dadaan ka muna sa initial interview nagkataon madameng naka-pila pero maraming counter and may counter dedicated para sa new immigrant, new students, new worker. Tinanong ako why are you here? did you bring any meat products, are you staying here for good? then may sinulat lang sa forms na finill-up ko then i was instructed to get my luggage first then proceed to immigration para sa processing ng WORK PERMIT i gave all the copies of my hubbies papers and yun na. madali lang sya guys natagalan lang ako sa pila kase dameng mga mexicanang workers na nauna at bagong dating din buti nakisama anak ko, antok pa that time at hinde ako nahirapan and hwag kayo dun sa new immigrant pumila pag process ng WO, dun kayo sa may right side kase ako naligaw hehehe. after nun diretso na sa check-in ng mga bagahe for our local flight. at dahil 7hrs. ang waiting time (yes 7hrs.
) wala kameng ginawa ng anak ko kundi mag paikot ikot at magpabalik balik sa umaandar na lane para lang malibang sya kase super kulit unstoppable sya.
pasensya na guys medyo hinde ata maganda pagkaka sulat ko ng post hehehe medyo lutang padin ako.. pero super sarap ng feeling na magkakasama na kame and i'm sure l;ahat tayo ma i experience yan in our own time, in GOD's perfect time, nga pala mag-start na ako ng work sa monday, sa subway
ynoweh, nigella, ate milleth, annz i have this feeling next week uulan na ng visa kaya be ready to experience the great blessings of GOD. Kita kits tayo dito ha... miss you all!!!