salamat milleth at kenj,...
its been 3 months plus na ko naka antabay d2 sa forum,...
so many issues,problems na na resolve, super ang info sa pagtutulungan na maka liban sa mga pagsubok ...may malungkot,..may masasaya,...pero sa gitna ng paghihintay at kalungkutan, may na depressed pa nga eh ....napapalitan ito ng kagalakan sa pagdating ng mga visa,...
sobra ang pag hanga ko sa tindi ng 'faith' ng mga tao,..natutuwa ako dahil inilalagay natin sa kamay ni lord our God ang mga pangyayari at decision sa buhay natin,....
at dahil d2,...may mga naging 'new friends' tayo ika nga,...sobra ang bonding,....fb friends ,...at may plan pa na mag meet sa canada,..sorry na lang ako,...sa spiritwood,saskatchewan ang destination ko,....medyo malayo sa kabihasnan,....
sa mga naghihintay pa ng kanilang visa tulad ko,.....stay kayo d2 sa forum,...medyo nakakahinga ka ng maluwag,..nababawasan ang depression, may ngiti sa pisngi mo,.....dahil sa mga masasayang nangyayari sa kapwa natin, nakakatuwa na mabalitaan mo na naglulundag sila sa tuwa dahil kumatok ang air21 sa pintuan nila,.....