napabisita lang ako ngayon, nung kelan lang November 2012 lang ang minomonitor ko sa visa kasi nov 9 ako nagpasa to cem. pero ngaun magfofour months nk dito sa canada.. sa mga papunta dito at wla pang visa, Normal lang at alam ko yang mga nararamdaman niyo, pero kung ako sa inyo sulitin nio na sa family nio yan, lalo sa mga may pamilya sigurado maiiyak kayo sa mga unang linggo and buwan niyo dito. sa mga mahilig naman magporma, wag na kayo magdala ng mdmeng damit dahil food ang unang need dito, kung pwede lang 1 box ng lucky ang madadala nio dalhin niyo na hehehe. di sila maano sa porma, dahil summer ka lang maakkapagporma dito hehehe. sa mga hindi pa marunong magdrive ng kotse at wlang licensya ng pinas kumuha na kayo ngayon pa lang at magaral na kayo ng driving jan sa pinas dahil 100% panigurado kakailanganin niyo yan pag nandito na kayo. pag may license ka ng pinas may privilege kang makapagdrive ng within 3 months or to have your ilcense 3 months or less as class 5 , unlike sa walang licensya ng pinas na nagpunta dito, magantay pa ng 9 months para magkaroon and then sa pagkakaalm ko kelngan mo pa ng driving school magbabayad ka pa ng 500 dollars ata un., kaya kuha na ng licensya jan pa lang.. maganda ang canada at maganda ito lalo para sa mga ofw dahil napakasafe, dito lang sa lugar na small town namin ay 10 times ko lang ata nilock ang pinto pag aalis or matutulog, un cp at laptop ko nasa salas lang pwede manakaw pero wala naman nagtangka... pero syempre pag nasa big city ka dpat nakalock ang pinto hehehe. ayan, basta enjoy enjoy habang nasa pinas pa, mamimiss niyo yang pilipinas kahit puro bad news ang maririnig sa news .. at higit sa lahat mamimiss niyo ang mga pamilya niyo for sure