jhallane said:
Hello po!
Newbie lang..natutuwa naman po ako mabasa ang mga positive comments dito at tlagang nagtutulungan..
sana nga po mkpag apply na din po ako ng visa for canada eh..sino po ba dapat mauna mag file ng application?ung mag sponsor po ba?
ung bf ko po kc nasa canada na for 4 years and nagpaplan na din po xa sponsoran ako di lang alam kung san po magsisimula..
sana po matulungan nyo ako,,,
Thank you po sa time..
God bless u all!
Hi Jhallane,
First you should fall under the spouse/common-law/conjugal partner category para masponsoran ka ng bf mo. Kung never kayo nagsama nung nasa Pilipinas sya, either magpakasal muna kayo bago ka nya sponsoran or iprove nya na conjugal partners kayo kahit di pa kayo kasal. There's more information about conjugal partnership sa www.cic.gc.ca. Download mo lang yung information and guidelines sa site.
Now, kung nagfall ka sa category na namention ko earlier, then your partner can sponsor you. Walang fiance visa na binibigay ang Canada, kaya dapat kasal kayo or common-law/conjugal partners kayo (kung di man kayo kasal or kung may reason na naghihinder sa inyo para maikasal).
Then start kayo mag-gather ng evidences to prove your relationship. Pictures, boarding passes, cards, email conversations, joint account statements, remittances..etc..etc...Then yung mga important docs like birth certificate, marriage certificate (kung balak nyo magpakasal, may advance endorsement sila na tinatawag para hindi ka na maghintay pa ng ilang months para makakuha nito after nyo maikasal), Advisory on Marriage (eto ay parang CENOMAR, pero kapag kasal na kayo, eto na ang ibibigay sa inyo), NBI/police clearance...etc..etc...
Please refer to the guides and information sa cic website. Search mo lang yung family class sponsorship at makikita mo don. Andon ang step by step procedure sa pagpa-file ng sponsorship at pag-gather ng mga kelangan..
All the best!