Maraming dapat tandaan pagpunta dito sa Canada. Kung di ako nagkakamali 22 kgs ang limit baggage papaalis ng bansa kailangan magdala kahit isang winter jacket wag na boots dito na Lang bumili mabigat sa bagahe. Mas marami ka dapat dalhin na jean kaysa short kasi kahit pa summer na dito ngayon malamig pa rin.10 thousand Canadian dollar ang limit na puede mo dalhin. Pero ako 1thousand Canadian dollar Lang ok na ko di kailangan marami dala pera mag work ka naman dito. Sa Vancouver pa Lang napakahigpit na, may casual interview isa isa sa immigration. Kaya ang " motto " Kung ano tanong yun Lang ang sagot wala ng pabibo! Less talk less mistake, pag di consistent ang sagot mo uwi ka. Mahigpit ang immigration dito guys, remember its North America. Kung marami dala food, ingat Baka masita. Kung personal foods dapat declare mo pa rin. And medicine dapat may resibo at hindi banigbanig. Tandaan ingat sa mga pasuyo check nyo muna bago dalhin sa Canada. Pagnakalusot ka na, on the following day kukuha ka ng SIn parang cedula sa atin. Takenote kabayan ang Sin Ay personal keep safe. Pagnawala mo yan dito at nagamit ng iba sa kalokohan ikaw ang hahabulin ng immigration. Kaya kami NASA house Lang ang I'd sin namin pati visa at passport. After that kukuha ka g identification sa sgi or any accredited. Worker or immigrant or citizen lahat mayroon nun. Ang upahan ng bagay dito NASA 1,600 Canadian dollar. Makakuha ka ng buong bahay na 1k ok na yun kabayan. Kung Kuwarto naman kadalasan 350 kadalasan basement. Pero lagi nyo check lagi Kung malakas ang heater. Napakaimportante ng heater. Ang food mahal honestly,kaya never convert. Kaya kami madalas hinahanap namin yung Dollarma store kasi everything doom 1 dollar tipid muna saka na maglarga pag naka adjust na. Kung mamimili ang pinak mura bili has dito kungdi giant tiger at superstore the rest Medyo mahal na pero Kung carry mo go go go! So sana nakatulong ako kabayan, Kung may mga nakalimutan ako message lang. Upssssss forgot. Ang insurance ng oto rito di Tulad ng pinas, monthly Kung magbayad. At paki sabi na rin sa mga mahal natin sa buhay na di porke dollar ang kita malaki. Dalawa ang tax natin, isang federal at provincial or city. Kaya tell them spend the money wisely! Masarap sa Canada Kung magiging wise ka para sa pamilya.