Hi yangyang19 and to all my batchmate,
Good news, nasa kamay ko na ang OEC na pinaka asam asam ng lahat. Hahaha! Tip di porke me visa is puede na makaalis. Need pa natin isipin ang POEA clearance, dami nila che che bureche. Medyo nainis lang ako talaga kasi ilang days ako pabalik balik sa Ortigas, para sa isang malayo ang lugar hindi biro ang mamasahe at pagod. Para maka help naman ako sa inyo, share ko ang nangyari sa akin.
STEP1
Day 1- POEA visit (Wednesday)
Get ng no. sa card wag na pumila. diretso kayo sa guard after ng entrance.
1. Guard will instruct you when kayo mag proceed (pag maaga pa waiting area muna/ but pag on time na proceed to 2nd floor ang sasabihin ng guard)
2. at 2nd floor, wait for your no. to call. lagyan ng name un paper na galing sa guard. (Bring long folder, para di na kayo maghanap or bumili, Ipaxerox din un contract, LMO, visa, passport at canada letter.)
Note: Pag maaga pa me voice over na mag instruct sa inyo kung paano gagawin. Agahan nyo lang para properly guided kayo.
3. Pag tinawag na no. smile lang. Hahaha.
4. ire-Review ng POEA staff ang mga papers nyo. Usually check nila kung included un repatriation sa contract nyo or Un no. ng filipino worker na nahired ng employer nyo.
5. Sa case ko addendum ang binigay sa akin. The addendum states additional condition na need include sa contract.
6.The POEA staff will inform you to email the paper at pa sign sa employer.
TIP: Swerte nyo if isa sign ng employer nyo agad yan. SA CASE KO, AYAW MAG SIGN kasi corporation sila ayaw nila siguro maging responsible sa lahat ng liabilitiea na ipapasa ng government natin.
7. pag nakuha mo na un lahat ng document from POEA. Na stapler na nila sa folder at naayus na nila. Punta na sa PDOS for scheduling pa lang. Usually PDOS the following day kayo schedule. Monday to thursday lang me PDOS. Kaya pag napunta kayo ng thursday, Monday na kayo i schedule.
8. Me ibibigay na schedule sa inyo pag pinakita nyo un mga docs.
FIRST DAY TAPOS NA!
DAY 2 (Thursday)
BE ON TIME PDOS na..
1. Inform the guad na PDOS na kayo ipakita lagn ninyo un schedule nyo.
2. Lahat ng applicant on time, un facilitator late ng 1 hour sa case ko ha.
3. Facilitator kung anu ano pag sasabi nya. Sa case namin, di talaga sya un facilitator proxy lang. Kaya nag mamdali sya at kulang na lang di na magseminar. Hahaha!
Friday- My employer informed me that they are not agreeable sa repatriation clause.
STEP 2
DAY 3- Monday
I called POEA hotline to doublecheck other option if ever ayaw mag sign ng employer. They mentioned that meron naman, buy an insurance to POEA accredited ins. company. Oh di ba, puede naman pala un, sana nag buy na ako nun una pa lang. Hahaha! Luwas ako papunta POEA.
SA POEA.
1. Ask ako sa guard, me pinahanap syang Ms. Nini sa luob 2nd floor un. Pinapasok ako sa loob ng office nila.
2. si Ms. Nini, mabait naman sya at me edad na. Nagkwento baket me ganun na condition, so in short me option nga daw. Buy ako ng insurance.
3. Insurance companies are located sa Baba ng POEA. Paglabas ng gate right side, me ginagawang building dun. "PARAMOUNT LIFE INSURANCE ang napuntahan ko.
4. Insurance amount $32 or Php1,300.00. Hihingi sila ng xerox copy ng contract, LMO, passport at visa mo. (buti ready ako meron na ko naibigay agad)
5.Wait lang ako, pagparocess bayad agad. Nagbigay ng policy copy at proof of payment na copy ng POEA.
6. Back to POEA, sa isip ko sana ok na. Punta ko sa guard ulit, sabi ko step 2 na ako. Pinakita ko un ins. dahil di kako nag sign employer ko. Ayun binigyan na ko no.
7. Wait sa call ng no. sa STEP 2 na window sasabihin kung what window no. pag tinwag na po number nyo. Ibabalik nyo un folder na me docs. un Folder from STEP 1.
8. Ask un addendum na pina sign sa employer. So sabi ko nga bumili ako insurance.
9. Kinuha un copy ng insurance policy at me binigay na 2 forms un (1 for OWWA and 1 for PAG ibig). Then wait for my name to be called.
10. Pagkatwag sa name ko, hiningi un 2 forms.
11. I che-check ng POEA staff un papers. Pag ok na proceed to STEP 3. (Payment na!)
12. Proceed to window 3,me hihingin na form sa inyo. I think un owwa form na copy yata un.
13. Instruct nila na proceed to window 5, payment na ng worth Php6,425.88. Ang pinaka resibo is un po ang OEC natin.
14. Proceed to another window(nakalimutan ko un no.) pag-ibig form naman i forward nyo dun sa window na un.
15. Then sasabihin ng staff na puede daw i continue and pag ibig me bibigay na no. at parang brochure ng Pag-ibig.
16. After that, tapos na ang NIGHTMARE ko sa POEA. CERTIFIED OFW na ako kasi meron na akong OEC.
I hope na guide ko kayo. In case ma encounter nyo ang kagaya ng nangyari sa akin. Pasensya na nagmamadali ako sa pagkwento kung me mali man sa spelling and grammar ko kahit tagalong. Hahaha!
Pray lang lage na help tayo ni Lord. Makakaalis din tayo na maayus.
Thanks and God bless to all. January 31 ang flight ko. hehehe!
jdjianna