Hi po sa lahat!! Ilang months din bago ako nakaview uli dito sa forum. Pinaprocess na po bagong WP ng husband ko. Sabi niya isasabay ko ang documents ng dalawang anak namin na gamit ang WP niya. Ang panganay kong lalaki ay 22 yrs.old na at ang anak kong babae ay 21 yrs.old at OJT siya sa Singapore. Nagpasok ako dati sa CEM ng mga documents ko kaya lang lagpas 6 months na WP ng husband ko kaya negative ang result. Alam ko na po ibang ipapadala ko na papeles pag labas ng bago WP ng husband ko maybe this month. Ang tanong ko lang po: Ano-ano po ba ang kailangan kong i-submit na documents para sa dalawa kong anak? At yung anak ko na nasa Singapore paano ko siya maisasama gayung ang passport niya ay nasa kanya? Eh sabay-sabay na nila ito kinukuha di ba? Pls.help me naman po. Gustung-gusto ko na makasunod sa asawa ko. At ganun din mga anak ko para muli ay mabuo kami. Iniiyak ko na lang lahat pag namimiss ko yung sama-sama kami sa mga espesyal na okasyon o pag may bonding moment ang pamilya. Sana po matulungan niyo kami. Marami pong salamat sa inyong lahat...