Tama! Wag utang ng utang! sooooobrang dali kumuha ng credit card dito, kotse whatever you want on credit! Hinay2x sa pagutang, madami akong kakilala na madaling mainggit or pag nakita na merong isang mamahaling bagay yung isang pinoy, magkaron lang ilalagay sa credit card or uutangin. Dipa man nagstart yung permanent residence life nila dito sa Canada puto utang na.
And tama din, wag agad magtiwala hindi porket kapwa pinoy natin ay maganda ugali. Masakit man isispin madaming sipsip magkaron lang ng posisyon.
Bsta do your best and God will do the rest.
Minsan may mae-encounter ka na matataas ang posisyon sa Pilipinas. Area manager, distrcit manager etc. pero pagdating sa Canada FCA din katulad mo. Wag kang madiscourage it's a level playing field, kung makita ng employer na mas magaling ka kesa sknya at mas deserving maaring mas mapasyo ang promotion. Kung ikaw naman yung isa sa mga mataas ang posisyon sa atin, PLEASE lang iwan ang pride na Pilipinas, pagdating sa Canada, pantay2x na ulit sa simula, madami akong nakilala na ang yayabang dahil jan, pero sympre meron din namang mababait at true friends.
Hindi tayo alipin,wag papa-api! wag mong hahayaang maliitin ka ng kahit sino maski ang employer mo, bawal nila kunin ang passport mo or work permit it's against the law.
On a lighter note naman, wag kana msyado magisp na magimpake ng madaming damit, jacket or anything na susuotin mo yung katamtaman lang ba to start. Tandaan na lahat ng mga bagay na yan ay mabibili mo dito, kung ma-ooverbagage ka lang sayang ang pera.
WAG magdala ng chicharon sa bagahe, bawal yan.haha. Sobrang hassle pag nahuli ka ng canadian customs at may possibility na mag-multa.
may mga Filipino store dito na may mga tindang mga pagkain galing satin dun ka nlng bumili.hehe.
Isa pang tip na sa tingin ko useful para sakin, paghandaan mo kung pano mo ipapadala ang pera sa pamilya mo sa pilipinas.
yung sa tingin mo ay safe, Example mag-open sila ng bank account na pwede mong kunin ang account number para gamitin sa remittance dito,
or kung may malapit na western union sa loob ng mall or yung hindi pansinin.
Magopen ng skype/ yahoo messenger account or viber kasi mas tipid mag-usap over the internet kesa sa long distance call.
Although sympre kung bago ka wala ka pang laptop/internet, pumunta ka sa pinakamalipit na convenience store / 7 11. at Magtanong ng pre-paid long distance card. may tag 2.50 dollars at tag 5 dollars. depende kung gaano kahaba ang usapan na gusto niyo. Tapos kung may landline sa tinitirahan niyo pwede mo yan gamitin at di sila machacharge ng long distance calling. Ganyan ginawa ko nung bago ako,hehe.
Sooner or later magcocommute ka dito, kelngan mong magadjust sa transit system nila. hindi katulad satin na pwede pumara or bumaba kahit saan. May mga bus stops/ bus schedule at train stations etc. Don't worry pagdating niyo diyo makikita niyo. hehe. Wag mahiya magtanong, siguro sa umpisa mahihiya kapa mag-english. Wala ng paki-alaman. kung hindi mo alam kung san ka baba or anong bus ang dapat mong sakyan tanungin mo ang driver ng bus.
HAAAY! ano pa ba? Madami pa sigurong ibang adjustments pero kaya niyo yan. If you have any questions na curios kayo just ask.